Posts

Showing posts from December, 2024

FAREWELL, MY LOVE (Finale)

Image
  FAREWELL, MY LOVE (Part 5 of 5) by Zamir Natigilan siya sa aking tanong. “Zamir, kahit gusto ko, hindi yata kita mapagbibigyan.” “Bakit naman?” “Alam mo na ang mga dahilan.” Natahimik ako at napa-isip. Naiintindihan ko ang mga sinabi sa akin ni Zaldy na mga dahilan. Hindi gaya ko, isa akong accountant at medyo mataas na rin ang sahod. Si Zaldy ay hindi nakapagtapos ng college. Pero sa pagnanais niya na makatulong sa pamilya at matupad ang mga pangarap sa buhay, kinakailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa. Bukas na ‘yon. Iniisip ko pa lang na magpaalam kami sa isa’t isa, parang gusto ko ng umiyak. Sa loob ng kulang na anim na buwan, nag-iba ang lebel ng ugnayan namin ni Zaldy. Itinuturing na namin na kami ay nasa isang relasyon. “Paano pala kapag andun ka na at makakita ng iba?” “Aba, wala pa nga e parang may pagseselos na ang mahal ko a?” Pabiro niyang sagot. “Hindi naman. Hehehe…” “Ganito na lang Zam, hindi naman natin mapigilan na may mga makikilala tayo. Bukas naman ang isi...

FAREWELL, MY LOVE

Image
  FAREWELL, MY LOVE (Part 4 of 5) by Zamir “I love you too, Zaldy. Mahal din kita.” This time ay nasabi ko rin ang mga katagang ito sa kanya. Yumakap din ako sabay halik sa kanyang buhok. Nasa ganito kaming puwesto ng matagal. Hindi umiimik si Zaldy. Pero nilalaro niya ang balbon ko sa dibdib at tiyan. Pareho pa rin kaming napagod sa aming katatapos na pagniniig. Alam ko, napapa-isip din siya. Makalipas ang limang minuto, nagsalita rin si Zaldy. Naka-ngiti. Bakas ang tuwa sa mukha. “Salamat Zam, ha. Kahit hindi mo noon sinasabi, nararamdaman ko naman e.” “Pasensiya ka na ha. Takot lang kasi akong mag-commit sa isang relasyon. Baka hindi ko mapanindigan.” “Ibig sabihin ba niyan e boyfriend na kita, Zam?” “Puwede.” Maiksi kong sagot. “Ayaw ko kasi ng label pero tama ka, boyfriend na kita.” Sa sinabi kong yun, napahalik ulit sa akin si Zaldy. “I love you, mahal…” “Ang corny mo! Pero love you rin mahal ko…” Nakatulog kami na magkayakap. Hindi na kami nagbihis pa. Nang bandang umaga ay ...

FAREWELL, MY LOVE

Image
  FAREWELL, MY LOVE (Part 3 of 5) by Zamir Konti na lang ang liwanag ng makarating kami sa bahay nina Zaldy. Dahil nabasa ang mga damit namin, dumiretso agad kami sa poso nila sa labas at doon ay sabay na naligo ng hubo’t hubad. Sinabunan ni Zaldy ang aking buong katawan kasama ang aking puwet, alaga at mga bayag. Ginawa ko rin ito sa kanya. Gaya ng nakagawian sa apartment, nagsuot na lang kami ng boxers. Pina-init lang ng konti ni Zaldy ang kanin at sinabawang tilapia na may halong talbos ng sili. May pritong tilapia rin na kasamang niluto na pala ng kanyang nanay bago umalis. Pagkatapos nito, kumain na kami. Dahil gutom, tahimik naming tinapos ang hapunan. Minsan, ‘pag nagtatama ang aming paningin, kumikindat ako sa kaniya. Matapos makapagsipilyo, umupo lang kami sa mga rattan na upuan at nagkwentuhan. Maraming kwento si Zaldy sa buhay niya sa lugar nila. Dahil nga tumigil sa pag-aaral matapos ang high school, kung saan-saan na siya nagtrabaho. Nariyan na tumutulong siya sa buki...

FAREWELL, MY LOVE

Image
  FAREWELL, MY LOVE (Part 2 of 5) by Zamir “AALIS ka na agad, Zaldy?” Laking gulat ko talaga sa sinabi niya. “Oo. Sa susunod na Lunes ng hapon, yun ang lipad ko.” Natahimik ako. Hindi nakasagot. Bagama’t totoo na mahal ako ni Zaldy, nararamdaman ko na rin na napapamahal na ako sa kaniya. Hinahanap ko na ang mga yakap at lambing niya.  Malungkot din ang mag-isa pala. Simula nung umalis dito ang kapatid ko sa apartment, medyo napasubsob ako sa trabaho. Napadalas din ang pag-gym ko para pag-uwi, mabilis na lang makatulog. Kung hindi si Alex na nasa Spain, si Zaldy ang madalas kong ka-text. Minsan ay sabay kaming nagbabate kapag mag-isa lang niya sa bahay. Kahit minsan e hindi maka-video call sa FB, ang mga ungol namin at dirty talks ay nagiging sapat na. Kasama niya sa kanila ang kaniyang ama’t ina at ang bunso nilang lalaki. Ang dalawang kuya niya ay may mga sariling pamilya na. Aaminin ko na pinakahihintay ko ang mga text niya na bibisita siya rito. Kaya naman, ginagawa ko ang ...

FAREWELL, MY LOVE

Image
FAREWELL, MY LOVE (Part 1 of 5) by Zamir Paano nga ba ang pakiramdam kapag nagpaalam sa ‘yo ang taong minamahal mo? Heto ang isang yugto sa aking buhay na napakahirap balikan pero gusto ko pa ring ibahagi sa inyong lahat. TUMUNOG ang aking cellphone habang nasa company car kami. Papunta kami sa Nueva Ecija kasama si Sir Jose, Head ng aming Auditing Department, at nakaupo katabi ng driver. “Zamir, luluwas ako. Diretso ako sa apartment mo ha?” Text ito ni Zaldy. Taga-Pampanga siya at maya’t maya ay lumuluwas ng Manila. Huwebes ito, alas-sais ng umaga. “Patay tayo niyan. Isinama ako sa pag-audit sa isang bangko,” sagot ko naman sa kanya. “Paano yan? Pwede lang ba na tumuloy sa apartment mo?” “Ano ka ba, Zaldy? Kahit anong oras, lagi kang welcome dun. At tsaka may susi ka naman e.” Ni-replyan ko siya na may kasamang mga tumatawa na emoticons. Siya si Zaldy. Ang kaibigan ko na dahil sa minsang pagpapagupit ko ng “mga” buhok ay naging kasundo ko na at nagkalapit ang aming loob. Literal na ma...